Lyrics Binalewala

Ikaw na pala
Ang may ari ng damdamin ng minamahal ko
Paki sabi na lang
Na huwag ng mag alala at ok lang ako
Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo sya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan mmmm
Kaya't humihiling ako kay bathala
Na sana ay hindi na sya luluha pa
Na sana ay hndi na sya mag iisa
Na sana lang

Ingatan mo sya
BINALEWALA nya ako dahil sayo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kaytagal ko ring hindi sinuko
Binalewala nya ako dahil sayo
Dahil sayo

Heto 'ng huling awit na kanyang maririnig
Heto 'ng huling tingin na dati syang kinikilig
Heto 'ng huling araw ng mga yakap ko at halik
Heto na heto na
Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo sya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan woh ooh woh

Ingatan mo sya
BINALEWALA nya ako dahil sayo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kaytagal ko ring hindi sinuko
Binalewala nya ako dahil sayo
Dahil sayo

Heto na huling awit na iyong maririnig
Heto na huling tingin na dati kang kinikilig
Heto na huling araw ng mga yakap ko't halik
Heto na heto na
Ingatan mo sya