Lyrics Buloy

 Hoy hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nung tayo'y nagsasama
Hoy hoy, Buloy
Naalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
Nung ako'y may problema
Sabi mo, "Lahat ng problema'y kayang lampasan
Basta't tayo'y nagsasama at nag iinuman."

Hoy hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nung ako ay ma kickout
Kasi daw ako'y tanga (tanga)
Hoy hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nung ako ay napalayas
Ng aking ama't ina
Mangiyak ngiyak na 'ko pero sabi mo ay "OK lang yan
Basta't tayo'y nagsasama at nag iinuman."

Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
Basta't mayrong bentang alak diyan sa may tindahan.


Hoy hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nung araw na nadedo
Ang aso mong si Morlock
Hoy hoy, Buloy
Naalala mo pa ba nung ika'y tumawag sa 'min
At ika'y umiiyak.

Tapos, pagkatapos non, kay tagal mong nawala
Nagulat na lang ako nung narinig ko ang balita
Akala ko pa naman na marunong kang magdala
Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na.

Hoy Buloy, nasaan ka man
Siguradong kawawa ka, malamang walang alak diyan
Hoy Buloy, nasaan ka man
Siguradong hindi ka namin malilimutan
Hoy Buloy, Buloy, Buloy.

Hoy Buloy, nasaan ka man
Siguradong kawawa ka, malamang walang alak diyan
Hoy Buloy, nasaan ka man
Siguradong hindi ka namin malilimutan
Hoy Buloy, Buloy, Buloy.

Hoy hoy, Buloy
Para bang nalimot mo na
Ang iyong mga sinabi nung ikaw ay buhay pa.