Lyrics Hinahanap-hanap Kita

Adik sa yo, awit sa akin
Nilang sawa na sa aking mga kuwentong marathon
Tungkol sa yo at sa ligayang
Iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita-a-a-ah-a

Sabik sa yo kahit maghapon
Na tayong magkasama't parang telesine
Ang ating ending
Hatid sa bahay n'yo
Sabay goodnight, sabay me-kiss
Sabay bye-bye

Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita-a-a-ah-ah-a

Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita

Sa school sa flag ceremony
Hanggang uwian araw-araw
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
At kahit na magka-anak kayo't
Magkatuluyan balang araw
Hahanap-hanapin ka
Hahanap-hanapin ka