Lyrics Kisapmata

Nitong umaga lang, pagka lambing-lambing
Ng iyong mga matang hayup kung tumingin
Nitong umaga lang, pagka galing-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin.

O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang o ba't bigla namang nawala
Daig mo pa ang isang kisapmata.

Kani-kanina lang, pagka ganda-ganda
Ng pagkasabi mong sana'y tayo na nga
Kani-kanina lang, pagka saya-saya
Ng buhay kong bigla na lamang nag-iba.

O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang o ba't bigla namang nawala
Daig mo pa ang isang...
...kisapmata ha haa, ha haa, ha haa

Nitong umaga lang, pagka lambing-lambing
Nitong umaga lang, pagka galing-galing galing-galing