Sa unang tingin agad na nahumaling Sa nagniningning mong mga mata Ika’y isang bituwin na nagmula sa langit ‘Di ko mawari Ang taglay mong tinatangi Sadya namang, nakakabighani 'Di maipaliwanag ang nararamdaman (Ooh)
Namumukadkad ang aking ligaya Sa tuwing ika’y papalapit na Hawakan mo ang aking kamay
O Paraluman Ika’y akin nang Dadalhin sa 'Di mo inaasahang Paraiso (Paraiso) (Hoo hoo) Palagi kitang Aawitan ng kundiman 'Di magsasawa 'Di ka pababayaan Isasayaw kita Hanggang sa walang hanggan (Hoo hoo, hoo hoo)
Mga gunita na laging naiisip (Naiisip) Sumisilip (Sumisilip) Ang itinakda ng mahiwaga Liwanag na dulot mo Nagbigay sinag sa madilim kong mundo Ibang iba ako Kapag ikaw ang kapiling Sumisiping ang buwan at mga bituwin Na para bang sumasang-ayon sa atin Ang kalawakan (Kalawakan)
Namumukadkad ang aking ligaya Sa tuwing ika’y papalapit na Hawakan mo ang aking kamay (Hoo hoo)
O Paraluman Ika’y akin nang Dadalhin sa 'Di mo inaasahang Paraiso (Paraiso) (Hoo hoo) Palagi kitang Aawitan ng kundiman 'Di magsasawa 'Di ka pababayaan Isasayaw kita Hanggang sa walang hanggan (Hoo hoo, hoo hoo)
Himig ng tadhana Sa atin ay tumutugma na (Tumutugma na) Himig ng tadhana Sa atin ay tumutugma na (Tumutugma na) Himig ng tadhana Sa atin ay tumutugma na (Hoo hoo, hoo hoo) (Hoo hoo, hoo hoo) (Hoo hoo, hoo hoo)
O Paraluman Ika’y akin nang Dadalhin sa 'Di mo inaasahang Paraiso Palagi kitang Aawitan ng kundiman 'Di magsasawa 'Di ka pababayaan Isasayaw kita Mamahalin kita Hanggang sa walang hanggan (Hoo hoo, hoo hoo hoo)