Lyrics Salamat Salamat

Kung aking mamasdan
Ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang Iyong dahilan
Kung bakit ako’y
Pinili Mo’t inalagaan

Hindi ko kayang isipin
Hinding-hindi ko kayang sukatin
Ang pag-ibig mo Hesus na
Iyong ibinigay sa akin

Salamat, salamat Oh Hesus sa pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin na katulad Mo

Ako’y magsasaya sa piling Mo

Kung may pagsubok man o kagipitan
Ako ay may lalapitan
Ikaw Hesus ang aking sandigan
Hindi mo ko pababayaan

Hindi ko kayang isipin
Hinding-hindi ko kayang sukatin
Ang pag-ibig mo Hesus na
Iyong ibinigay sa akin

Salamat, salamat Oh Hesus sa pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin na katulad Mo
Salamat, salamat Oh Hesus sa pag-ibig Mo
Ako’y magsasaya sa piling Mo

Salamat, salamat Oh Hesus sa pag-ibig Mo
Walang ibang nagmahal sa akin na katulad Mo
Salamat, salamat Oh Hesus sa pag-ibig Mo
Ako’y magsasaya sa piling Mo

Buhay ko na ang purihin Ka
Buhay ko na ang sa ‘Yo’y sumamba
Wala ng ibang nanaisin pa kundi pasalamatan Ka