Lyrics Sana

Umuwi na tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata
Ngayon ko lang naramdaman
Ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag
Na tayong magkatabi

Bakit ka nag-iba?
Meron na bang iba?

Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang umalis
Umalis

Binibilang ang hakbang hanggang wala ka na
Nagbabaka-sakaling lilingon ka pa
Hindi na ba mababalik
Ang mga sandali
Mga panahong may lalim
Pa ang 'yong ngiti

Bakit ka nag-iba?
Meron na bang iba?

Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita
Sana sinabi mo
Para ang mga ayaw mo'y aking iibahin
'di ba sinabi mo
Basta't tayong dalwa'y
Sasaya ang mundong mapait
'di ba sinabi ko
Gagawin kong lahat upang tayo pa rin sa huli
Biglang nalaman ko
May hinihintay ka lang palang bumalik
Sana sinabi mo
Dahil 'di ko maisip ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo
Para di na umibig ang puso kong muli
Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita

Sana sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo