Lyrics Tagpuan

Di, di ko inakalang
Darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakit

Bakit umalis ng walang sabi
Bakit, di sya lumaban kahit konti?
Bakit, di maitama ang tadhana?

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko


At hindi, di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin

Paano nasagot lahat ng bakit?
Di makapaniwala sa nangyari
Paano mo naitama ang tadhana?

Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo oohhh...

At hindi ka lumayo
Nung ako yung sumusuko
At nagbago ang mundo
Nung ako'y pinaglaban mo ooohhh...
At tumigil ang mundo
Noong ako'y pinili mo
Siya ang panalangin ko