Letra Yakap Sa Dilim

Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema'y iyong malilimutan
Habang tayo'y magkayakap sa dilim

Huwag mong pigilan kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana'y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim

Heto na'ng pinakahihintay natin
Heto na tayo magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo'y magkayakap sa dilim

Halika ka na at sumiping na sa kama
Lasapin natin ang sarap ng pagsasama
Sa 'ting pag ibig tayo ay umasa
Habang tayo'y magkayakap sa dilim