Letra Anak

No'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang
Tuwang-tuwa sa 'yo

Ngayon nga'y malaki ka na
Ang nais mo'y maging malaya
Di man sila payag, walang magagawa
Ikaw nga'y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

Di mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bis yo
At ang una mong nilapitan
Ang 'yong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba't ka nagka-ganyan?"

At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Ng di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong
Ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong
Ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong
Ika'y nagkamali