Letra Makapiling Ka

Pagdilat..
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga
Nasaan ka na? malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik
Minsan
Nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin, malalim ang isip
Kailangang magkita muli

Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik makapiling ka
Makapiling ka

Pagdungaw, meron kayang mabuting balitang darating
Ihahanda ko'ng pangngiti
Kasabay ng pagsambit sa ngalan mo
Pagdating ng sandali

Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik makapiling ka
Makapiling ka

Lalong lumalapit araw ng pagsapit
Di magkukulang, laging nagaabang

Sa pagpatak ng bawat sandali
Nakatikom lagi ang aking mga labi
Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik makapiling ka
Makapiling ka

Pagdilat..
Ikaw agad ang hinahanap sa umaga...
First timer: ©f0nti 2008